Browse By

Replay: Pagkilos ng kabataan at mamamayan noong 2011 sa saliw ng pop songs

Parang bonggang “baby you’re a firework” ang naging mga pagkilos ng kabataan at mamamayan para sa pagbabago noong nagdaang taon.

Habang “everyday I’m shufflin’” at nagkakandarapa ang hikahos na mamamayan, today “I feel like not doing anything” ang Malakanyang sa mga hinaing ng bayan. Kaya naman sawang-sawa na sila na “just the way you are” lang ang mga bagay at dumagundong ng “boomburumbumum” ang mga protesta.

Sa lalong pagtindi ng krisis, tila dumami ang “someone like you” na napa-“moves like jagger” sa samu’t saring mga picket protests, campus strikes, unity march, transport caravan, planking protests, occupy at campouts.

MRT / LRT fare, Oil Price Hikes

Soundtrack: Price tag (It’s not about the money) / Party Rock (Everday we’re shufflin)

Sa mga unang bahagi ng taon, “everyday ay shufflin’” ang mga banta ng mga nagtataasang presyo: langis, kuryente, tubig, matrikula, gulay, MRT/ LRT. “It’s not about the money na dahil sa sobrang taas ng presyo, talagang wala nang money at butas na ang bulsa.

Kaya naman halos araw-araw din pinukpok ng protesta ang mga pahirap na ito. Sa maagang bahagi, pinangunahan ng mga kabataan ang Strike the Hike Movement at mga aksyon kontra pagtataas ng pamasahe sa MRT at LRT, na kalaunan ay iniatras ng gubyerno dahil sa mga protesta.

Kabi-kabila ang inilunsad na mga transport strike at people’s protests laban sa oil price hikes. Rumurok ang mga protesta sa malaking pagkilos ng mamamayan noong May 1.

 

Anti-budget cut strikes, fight for education

Soundtrack: Born this way (jingle link)

Dance step: planking at freeze mob

 

“Pagkat ang edukasyon / ay ating karapatan / tumindig ka isko para sa ting bayan

No to commercialization / at sa privatization / tumindig ka isko tayo ay lumaban”

 

Nakaka “gaga” naman na talaga ang muli na namang pagkakaltas ng pondo ng edukasyon at ng mga serbisyong panlipunan.

Kaya naman muling hinarap ng mga kabataan at mamamayan ng kabi-kabilang protesta at ng isang pambansang welga ang budget cuts ni Aquino. Mahigit 20,000 ang nagstrike, nagplanking, nagfreeze mob, at nag long march sa buong bayan.

Nagprotesta din ang mga kabataan laban sa tindi ng pagtaas ng matrikula at mga miscellaneous fees na nagtulak sa Malakanyang na mangako ng bagong tuition policy (na hanggang ngayon, by the way, ay wala pa din.) Inilantad ng kawalang-aksyon sa mga protesta na mukhang “born this way” ang Commission on Higher Education, pabor sa mga kapitalista-edukador.

May mga naging tagumpay din matapos ang matutunog na protesta sa University of Sto. Tomas (UST) laban sa no promissory note policy at pagpapasara sa Philippine Maritime Institute (PMI).

 

Clinton Visit Protests

Soundtrack: Hey Soul Sister / Just the way you are

“I don’t want to miss a single thing you do” ng walang protesta — yan ang pangako ng mga kabataan sa pagdating ni Hillary Clinton sa bansa. Dala ni “sister” ang higit pang pagtindi ng interbensyon ng US dito at “pagkakaibigan” ng US at Pilipinas sa pagmimintina ng di pantay na mga tratado gaya ng VFA at iba pa.

Kaya naman “when they saw her face face face” inambush ang kanyang convoy at face to face siyang sinigawan sa inorganisang forum. Ang panawagan, baguhin na ang ang di pantay na relasyon at hindi na pwedeng “just the way you are” lang.

Ka Roger Tribute

Soundtrack: Firework

“Baby you’re a firework.” Pasabog naman talaga ang buhay ni Ka Roger Rosal kaya nang mabalitaan ng bayan ang kanyang pagpanaw, mga parangal ay pagpupugay ang inialay ng bayan, iba’t ibang sektor, maralita, mga kasapi ng media at mga kabataan sa kanya.

Mahalagang inspirasyon si Ka Roger sa mamamayan at halimbawa sa mga nagnanais lumaban sa bulok na sistema at sa mga aktibistang nagpupunyagi na mamuhay ng simple at maging mga tagapagsalita ng mamamayang api.

Hangga’t bulok ang sistema at mahirap ang mga tao, mas maraming mga Ka Roger pa ang magbibigay liwanag sa kadiliman ng gabi at magbibigay tanglaw sa taumbayan.

 

Fight for Luisita

Soundtrack: The Lazy Song

Hacienderong haciendero ang moda ni Noynoy Aquino: “today I feel like not doing anything” tungkol sa pamamahagi ng Hacienda Luisita.

Pero dahil sa lakas ng paggigiit at paglaban ng mga magsasaka at taumbayan, nalabanan ang pakanang Stock Distribution Option sa Luisita at pumabor ang Korte Suprema sa pamamahagi nito.

Sa kabila ng atas ng korte, “yes, I said it because I can” si Noynoy na ibigay umano ang “just compensation” sa kanyang mga kapamilya. Hindi pa sapat ang pahirap nila sa mga magsasaka sa lupang ninakaw nila, gusto pa nilang kumita?

Dapat ang ibigay sa kanila: “nothing at all.”

Occupy Mendiola / Campout

Soundtrack: Superbass (boom boroomboomboom)

Tila kinabog ng parang “boomburumbumbum” ang dibdib ni Noynoy Aquino sa planong Occupy Mendiola o  Campout protest  ng mga kabataan at mamamayan noong Disyembre. Layon ng pagkilos na labanan ang bulok na sistema ng iilan at dayuhan sa ilang araw na pananatili sa Mendiola at pag-occupy dito.

Agad nagdeploy ng sangkatutak na pulis ang Malakanyang bago pa man magsimula at dinahas ang planong protesta. Hindi naman nagpatinag ang mga kabataan at mamamayan, naggiit ng kanilang karapatan at itinuloy sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan ang ilang raw na campout.

Sa huli, mas marami ang namulat na walang pinag-ba ang gubyerno ni Aquino sa marahas na pamumuno ni Arroyo at ang kailangan ay ang malalaking pagkilos at magiting na paglaban para baguhin ang bulok na sistema.

 

Pananagot kay Arroyo, kainutilan ni Aquino

Soundtrack: Someone like you / Moves like Jagger

Matapos ang isang taon ng obvious na kasunduan nina Aquino at Arroyo hinggil sa hindi pananagot sa ikalawa dahil sa kawalan ng kasong isinampa, uminit ang tunggalian ng mga nasa kapangyarihan ng mag “moves like Jagger” na si Arroyo at muntik nang makatakas dahil sa kainutilan ni Aquino.

Nagkandarapa si Aquino sa huling mga sandali at nailantad na kaya naman palang magsampa ng kaso ng mabilis, bagay na hindi nito ginawa sa nagdaang 500 araw. Hanggang sa kasalukuyan, mga magagaang kaso pa din ang isinampa ni Aquino laban kay Arroyo at tila may special treatment pa sa hospital arrest kay Gloria.

Para ilayo nito sa kapalpakan ng kanyang sarili ang atensyon, at pagmukhaing seryoso siya sa pagpapanagot kay Arroyo, kinampanya ni Aquino ang impeachment ni SC CJ Corona.

Kalikasan at mga trahedya

Soundtrack: Party Like 2012 / Teach me how to Dougie

Habang parang end of the world na sa mga nasalanta ng trahedya, nabuking na nagpaparty at nagteteachme how to Dougie si Aquino sa Palasyo. Mas malaking pananagutan ni Aquino ang pakikiparty at pagpayag sa mga malalaking kumpanya ng pagmimina at loggers na magpiyesta sa resources ng bayan ng walang pakundangan at walang konsiderasyon sa buhay ng mga Pilipino.

Matagumpay at makabuluhan ang 2011 para sa mga kabataan at sa kilusang protesta. Mas malalaki pang tagumpay ang hinahrap ng mga kabataan at mamamayan sa 2012. Hindi pa end of the world. Nagsisimula pa lang ang mas malalaking paglaban para tapusin na at baguhin ang sistemang panlipunan.

 

0saves
If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.