Browse By

Enter the Dragon

Nahuling namimili ng pirated DVD ang kabarilang Presidential Adviser. Ano kaya ang type niyang panuorin? Teledrama na may halong comedy ala Corona impeachment?  O love story / media gimmick ala Noynoy at Grace Lee? O baka action flick sa third world setting ala Bourne Legacy.

Kung may dapat siyang madiskubre, ito ay ang tragedy na tema ng buhay ng nakararami. At sana marealize niya na ang gubyerno nila ay unti-unti nang nagiging horror story.

xxx

Malagim na krimen ang tumambad ngayong taon sa komunidad ng UP Diliman. Bukod sa kriminal, kaltas pondo at maling prayoridad ni Aquino ang salarin. Dahil sa buktot na patakaran, kinulang ang pondo pang operasyon at seguridad ng mga pamantasan.  Katarungan para kay Lordei!

xxx

Tuition fee increase na naman ngayong Pebrero. Pareho ang istorya, 400 na pamantasan magtataas ng matrikula ng 10-15%, bogus na mga konsultasyon, samu’t saring mga bayarin na papahintulutan at kakatigan pa ng inutil na CHED. Ang pangako ng Malacanang na umaksyon sa dubious fees napunta sa bula.

xxx

Enjoyable daw ang bagong K-12. Ows? Nauso lang ang More Fun in the Philippines, akala ng DepEd papatok na ang soundbite nila. Paano mag-eenjoy kung madadagdagan ang gastos ng mga magulang? Kung siksikan sa mga paaralan? Btw, di naman daw pala sure na magkakatrabaho. Trip trip lang to.

Tatanggalin din ang Science sa Grades 1 at 2. Kung sabagay ano, di mahalaga ang science concepts at scientific thinking. Mother tongue daw ang ipapalit. Ano daw? May witty na napabulalas sa tabi: tongue mother nyo.

xxx

Sa Big 3: bagong taon na, wala pa ring kasingkapal ang mukha ninyo hanep.

Kaunting kaalaman: Noong nakaraang taon, 44 na beses nagtaas ang presyo ng langis. Higit P11 ang diperensya ng presyo ngayon kumpara sa Enero 2011. Tapos sunod-sunod na naman ang pagtataas, kung magrollback katiting. Alam na natin ang istorya. Nagtaas na din ang LPG ng mahigit P99 kada tangke.

Nagbuo daw ng independent review team si Aquino para irebyu ang oil deregulation law. Una sa lahat, di na dapat irebyu pa yan, dapat ibasura na. Sunod, gaano katagal ang rebyu? 6 months daw. By that time, nanakawan na tayo ulit ng milyon-milyon sa overpricing at ng gubyerno sa VAT. Sino-sino ang nasa review panel? Tama ang hula — wala ang mga pursigido sa protesta gaya ng Piston at Bayan. Ang nandun e di yung mga malalapit din at kumbaga e, business minded.

xxx

Magtataka pa ba tayo kung dadami ang gutom at naghihirap? Umaabot na ngayon sa lagpas P1000 ang kinakailangan ng isang karaniwang pamilya para mabuhay. Ang minimum wage nakapako sa P404. Halos 80% ng populasyon, nabubuhay sa mas mababa sa P100.

xxx

Demolisyon sa San Juan ang bumungad sa taon. Mahigit 2.5 milyong Pilipino ang informal settlers sa NCR o 25% ng populasyon dito. Aminado ang DILG na ang relocation nila, nasa 30,000 lang. O san nila yan dadalhin? Samantala, itutulak pa ng Public-Private Partnerships ang mas maraming marahas na demolisyon. Please lang, huwag kayo magtaka kung lumalaban ang mamamayan.

Kapag negosyo at dayuhan, sunod-sunuran. Kapag kapakanan ng taumbayan, nagbibingi-bingihan. Kung kinukunsinti mo ang mga kriminal, magnanakaw, mapang-abuso gaya ng kartel ang tawag sa iyo: protektor.

xxx

E di eto na nga. Eat Bulaga, este, impeachment trial sa Senado. Sige. Dapat talagang panagutin si Arroyo at talaga namang inapppoint si Corona diyan para may legal maneuver siya. Pero, naman. Obvious ang tunay na intensyon ni Aquino: Hacienda Luisita. Saka, namaaan. Ang palpak ng prosekusyon eh. Sakit sa ulo. Halatang papogi ang habol at press con. Natatabunan pa ang mga isyu ng kagutuman at kahirapan.

O tapos, special treatment kay Arroyo at hanggang ngayon wala pa ring matinong mga kaso. ‘Wag nyo kaming pagbobolahin please. Isa pa, ‘pag katropa nyo gaya ni Boy Pirata, ok lang ganon? O kaya pag crony gaya ng mga Cojuangco. Ok lang naman sana, basta tigilan nyo na yung anti-corruption script. Nakakairita eh.

xxx

Di niyo makita si Palparan? Hanapin nyo yung mga kampo ng militar, tinatago ng AFP yan. O baka naman nagmamaang-maangan din kayo, alam niyo din kung nasaan. Palibhasa halata namang tropa pa rin o mga bata ni Palparan ang nagpapatakbo ng new and improved na Oplan Bayanihan. Kita ninyo yung nangyari sa tatlong mag-aaral ng UP sa field work sa Pampanga.

Tuloy pa rin ang kampanya ng panloloko at pandarahas sa ilalim ni Aquino. Btw, hindi kaya ‘di simpleng krimen ang nagyari kay Lordei at Ekis?

xxx

Alam na kung bakit biglang may terror threat noong Enero. May planong paramihin ang tropa ng Kano sa bansa. E di ba pinangako din ni Noynoy na irerebyu ang Visiting Forces Agreement? Asan na yun? Iyan ba ang kapalit ng suporta ng Kano sa mga hakbang niya para panatilihin ang kontrol Luisita?

xxx

Kung tanda ang mga ito ng mga darating pa sa taon ng dragon, dapat nang maghanda. Hindi habang panahon ay magtitiis at magpapakaburyong sa inis. May mga nasimulan na noong nagdaang mga buwan at may mga aral ng kasaysayan na babalikan sa paglaban para sa karapatan, kabuhayan, pagbabago at kalayaan.

Written for Blogwatch

0saves
If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.